Nakatingala siya sa may bintana. Habang ang mga kamay hinahaplos ang puting telang dinadaanan ng mainit na bakal. Panaka nakang binabalik nya ang tanaw sa unipormeng malamyos sa kamay. "Nanay! Nanay!," humahangos ang nagma may ari ng tinig sa loob ng bahay. "Nanay! Araw daw ngayon ng Kalayaan!" "Maaari po ba akong pumunta sa bayan?" "Manonood lang po ako ng parada!" Nakangiti, halos lumundag na sambit ng batang paslit. Napangiti rin sya. Tuwang tuwa siya sa natitigan nyang kislap sa mga mata ng supling nya. Para bang may umuukit ng bulaklak sa puso nya. Nakakakiliti yaon, hindi masakit ngunit marikit ang pakiramdam. Hindi nya mapigilang maluha. Minsan kase noong bata pa siya sinubukan nyang magpaalam pero hindi siya pinayagan. Nakakatakot daw sa bayan. May mga hapon. "Kukunin ka ng mga hapon," sambit ng nanay nya at hindi na siya muli pang nagtanong. "Ano nanay, pwede po ba akong pumunta sa bayan?!" muli ay narinig nya. "Oo anak, oo naman, siya siya maligo ka at kumain muna." Nang makaalis na ang bata iniwan nya ang mga damit, umupo siya sa gilid ng hagdan, pinukol ng mga mata ang rosaryo sa altar. Dali daling nyang isinara ang buong bahay. Pupunta rin sya sa nayon. Makikipag diwang siya! Malaya na daw ang Pilipinas. Makikipagbunyi siya. Sasayaw siya sa kalsada at makikinig sa harana!
Kwento yun ng lola, ilang dekada na ang nakakaraan. Ngayon habang tipa tipa ni Maria ang "laptap", napapaisip siya. Nasaan ng nga ba ang mga bayani? Wala nang nabibitay sa plaza. Ang pinapalakpakan ng madla ay yaong nakikibaka sa "ring," yaong may hawak hawak na micropono sa bansang banyaga. Nasaan na ang kislap na sinasabi ni lola? Babangon pa kaya ang bansang kinalakhan nya, yaong lahat na yata ng dalubhasa ay iniwan na siya. Hindi naman niya sila masisisi dahil kung hindi sila mangingibang bansa ay mamamatay ang lahat ng bata sa gutom at kawalan nang pag asa. Ngunit babalik pa kaya sila? Babalik pa kaya sila upang maki pag buhat sa pasaning minana sa mga matatandang naulila nang pagmamahal sa bansa? Sa puso at diwa nya alam niyang marami sila. Marami silang umaaruga sa bansa, malayo man o malapit. Naniniwala siya na isang araw, isang araw aawit silang sabay sabay "ang mamatay nang dahil sa 'yo".....babalik ang mga bayani...yaong mga kawangis ni Rizal, Bonifacio at Mabini...magiging masipag ang mga kababayan niyang tamad at uunlad din ang Pilipinas!...at hindi na kakailanganing mangutang pa ng bigas!
mula sa simpleng buhay ni Kulasa
1 comment:
ay, sikapin kong magtagalog Zen :)
oo nga, nasa-an na ang mga bayani, nandun lang sila, silang mga tahimik na pinaglalaban ang bansa and tahimik na nag-momodelo nang independsya, kasi isa sa sakit na nang ating bansa ang dependensya na tinanim sa atin nang espanya para lalo tayong kikiling sa tinitingnan natin na malalakas na makatulong sa atin.
Post a Comment